May 1- LABOR DAY
Nagising ako ng maaga today. Nabulabog ako. Naingayan. Nagising ako dahil sa ingay ng jackhammer dahil inaayos yung kanal na daluyan ng tubig sa street namin... Aarrrg. To think na yesterday, may sakit ako, ang sama ng pakiramdam ko, babawi sana ako ng tulog pero ayun.Maba-badtrip na sana ako, kaso naisip ko, wait, anung date today? Oh, MAY 1. ARAW NG MGA MANGGAGAWA. Araw ito para pahalagahan sila, walang pasok dapat sila ngayon, pero ayun, nagtitiyaga sila na magtrabaho kase pag di sila nagtrabaho, wala silang maipantutustos sa pamilya nila, walang makakain ang pamilya nila na umaaasa sa kakarampot nilang kita. Di sila kagaya ng mga white collar employee na nasa office at tuloy ang kita kahit holiday. Tinanong ko yung mama, "Ma, magkano po ang sweldo nyo?" "Bale pumapatak ho ng P250 kada araw, kaso ibabawas ko pa po yung pang-tanghalian at pang miryenda ko." Napaisip ako "Grabe, nakakaawa yung mama, buong araw syang nasa tapat ng sikat ng araw, nagjajack hammer, na nakakangalay at nakakasakit ng kamay sa buong kalye naman, tapos pumapatak na P200 na lang ang maiuuwi nya sa pamilya nya. Grabe. Kulang pa yun, di yon sapat na kabayaran para sa pagod niya." Binigyan ng pamilya namin yung dalawang mama ng libreng tanghalian, miryenda at tubig. Naawa kami at naantig sa kadakilaan nila e.Nakakataba ng puso kasi sobra silang natuwa dahil buo nilang maiuuwi ang P250 nilang sahod dahil sinagot na namin ang pagkain nila.
At some point, naguilty rin ako kasi medyo may pagka-gastadora ako, bili ako ng bili, kain ako ng kain, o kaya naman pang load ko lang yung ganung halaga for one week. Tapos pag nakain naman ako sa fast food, pag solo lang ako, P100 na ata minimum ko. Tapos kapag may lakad naman ako P500 ata minimum kong dala at pambaon ko nung high school ako, P200 na minimum na dala ko per day. Hindi naman sa ginagastos ko lang sa walang katuturan yung pera ko, di ko naman inuubos yon, yung iba idinodonate ko rin para sa ating brothers and sisters of the poor. Pero grabe no? Dun sa ginagastos kong pera, makakabuhay at makakaraos na ang isang pamilya. Saludo ako sa lahat ng mga manggagagawa, mula sa white collar employees lalong lalo na sa blue collar. Kung tutuusin mas mahirap ang ginagawa ng mga blue collar employees, no offense sa white collar, kasi yung blue collar employees ay pisikal na lakas ang laging ginagamit tapos wala silang kita pag di sila nagbanat ng buto at wala rin silang mga pribilehiyo at benepisyong matatanggap. Sila rin yung gumagawa ng mga trabaho na di natin magawa dahil nakakapagod, kadiri, mabaho ang paligid na pagtatrabahuhan. Kung wala sila, paano na kaya ang buhay natin? MABUHAY kayong mga MANGGAGAWA! Kayo ay di lang isang pangkaraniwang manggagagawa, kayo ay DAKILA sa kanya kanya niyong larangan. Pinapatunayan nyo na kahit mahirap kumita ng pera, basta may pagsusumikap at diskarte sa buhay, makakaraos rin at di na natin kelangan na umasa lagi sa pamahalaan para umunlad tayo dahil tayo mismo ay may magagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento