May 3 today ;)
Sarap sa feeling ng araw na ito ;). Pano kasi nakatulong ako dun sa parang ampon namin. Share ko lang. Sya ay incoming 2nd yr hs student sa Aplaya National High School :). Sya ay dating estudyante nung lola ko nung grade 3 sya, mahal na mahal niya ang lola ko. Nanggaling sya sa medyo kapos naa pamilya. Tuwing weekends, nasa amin sya, pinapakain at pinagpapahinga sa bahay, voluntary sya na tumutulong sa mga gawaing bahay :). Pag may pasok sya, every weekends tinuturuan ko sya sa mga lessons nila, tinutulungan ko rin sya sa mga projects, hws nya. :). Binibigyan ko, ni kuya, ni mommy at daddy at ni lola siya ng baon every week ;). Deserving sya kasi kahit mahirap sila, eto, nagsumikap sya, 2nd honor siya last school year. Di ba? Pinapatunayan lang nya na basta gusto mo ang isang bagay, di hadlang ang kahirapan para makamit ang iyong inaasam na tagumpay. :). Kaya ayun, lubos lubos yung pagkaproud ko at ng pamilya ko sa kanya, nung recognition nya, I pledged na ako na sasagot ng uniforms nya for the next school year, naaawa kasi ako sa kanya, isang set lang yung uniform nya at maliit na at medyo sira na e, tapos pag kakasuot laba kaagad, imbes na ipapampapahinga nya yung time na yon after dismissal, e naglalaba sya.Tuwing Linggo nga lang nakakatikim ng plantsa yung uniform nya e, kasi magastos sa kuryente yun. Samantalang ako nung napasok ako, ang sarap ng buhay ko, may 7 na daily uniform ako at 3 set ng P.E. uniforms. Kahit araw araw iba uniform ko, kayang-kaya. Tapos di pa ako yung naglalaba at namimilantsa ng damit ko. Tapos kinulit ko si kuya, sabi ko, sagutin na nya yung school supplies, di naman ako nabigo, umoo naman siya kaagad.
E di sinamahan na namin siyang bumili ng uniforms. Habang nagsusukat siya ng damit, I saw smiles on her face, tuwang tuwa siya, nahihiya nga siya sa amin e, pero sabi ko, sige, okay lang yan. :). Maliit naa tulong lang naman iyon, pero proud ako sa sarili ko kasi sarili kong pera yung ipinambili niya, galing yun sa ipon ko. :). Ang sarap talaga sa feeling ng nakakatulong. :). Ako kasi yung tao na mapagbigay, pag may pera ako, manlilibre ako sa family ko, kakain kami sa labas, o kaya pag friends kasama ko, nanlilibre rin ako. Nagdodonate rin ako nun sa CCD collection :). Basta nakakatulong, go ako, kahit dun maubos pera ko. Actually nga, pag for family or friends or needy, go kaaagad ako, without a doubt, nagbibigay ako. Pero ang nakakatuwa at random trivia sa akin, bago ako makabili ng personal stuffs like clothes, napakatagal sobra bago ko bilhin. Kase mapaparanoid ako at tatanungin ko yung sarili ko na, what if ipangkain na lang namin ito sa labas? E di mas marami kaming sasaya dun. Haha =). Ganun ako e, mas inuuna ko yung iba kesa sa sarili ko. :). Back to kwento, ayun, binili na rin namin siya ng school supplies, kinompleto na namin yung basic requirements nya sa school. Binili ko rin siya ng scientific calculator, nagulat nga ako, kasi first time nya na magkaroon ng ganun, e to think na sa 2nd yr, mag iistart na yung mga paggamit ng calculator. E di naging happy siya :). Tapos binili namin siya ng new school shoes, rubber shoes at slippers, nagtitiyaga kasi sya dun sa medyo sira niyang mga sapin sa paa. Nakita ko talaga yung tuwa sa kanyang mga mata, yung sobrang tuwa na parang kung ikukumpara mo ay tuwang nararanasan ng bata na binigyan ng candy ng kanyang magulang. Ganun. :).First time niya kasing makabili ng isang set yung complete na uniforms at school supplies. Aaminin ko nung gs at hs ako, sobra akong excited lagi kasi bago lahat ng gagamitin ko for the next school year, minsan nagpapasobra pa ako ng mga binibili at minsan nagpapabili ako ng school stuffs na di naman masyado kelangan gawa ng nagandahan lang ako. ANG SAYA TALAGANG MAKATULONG SA KAPWA :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento